TWO50TWO Update: Story #6, “ETA”; & #7, “Liwayway”

Uncategorized
Since my brother, sister-in-law, and goddaughter are home for the holidays, our family went up to Baguio to spend the New Year there. The travel was surprisingly quick, unlike our past trips when it would take us around seven to eight hours just to visit. 
Picture

The first thing I did when I got in the room was to take a selfie.
We stayed in Mines View Park Hotel, which looked old but otherwise was okay. A lot of hotels were booked for the season, and because my mom hasn’t discovered yet the wonders of AirBnB, it was one of the few decent options we had. The hotel was a few meters away from Mines View Park, where we had a family photo taken when I was fifteen. That was also the first time we went to Baguio. 
Picture

I don’t remember Baguio being this crowded. (Maybe I’m romanticizing the past, though)
​It was crowded, as expected–but not as crowded as I remember. (Of course my childhood memories shouldn’t be trusted. You know how the older you get, you look at the past rosily? It’s probably that.) 
Picture

I am a master at taking bad photos.
Picture

My brother is a weirdo. (It runs in the family)
Picture

This strawberry vendor is rocking the look. (Watch out for them at Mines View Park)
That doesn’t mean we’ve been remiss with updating TWO50TWO. Jox volunteered to write the sixth story, while I did the seventh. It’s the first time I’ve written in Filipino for TWO50TWO. 

Read them below: 

Story #6: ETA

“Paglapag natin, yun na yun. Tapos na. Tapos na ‘to.” Mahirap magpigil ng luha. Lalo na ‘pag nasa public area ka. Mas lalo na kung nasa loob kayo ng isang gumagalaw na sasakyan na madaming tao. Na hindi mo kilala. Pero mas lalong lalo na kung hindi mo kayang ipahinto ang sasakyan at magplanong bumaba.

Halimbawa, itong eroplanong sakay ako ngayon pabalik ng Maynila.

Kasama ka.

Lalong lalo na ngayong kasama ka.

Di ko lubos maisip na magtatapos ang lahat ng ito na kasabay ng halos isa’t kalahating oras na travel time nitong eroplano.

Hindi totoong may tamang oras at tamang lugar para tapusin ang mga bagay na dapat tapos na dati pa. Pero totoong hindi mo malalaman ang tamang oras at tamang lugar na kung kelan ka mamamatay.

Namatay ako sa taas ng mga ulap. 5:14 PM. Dalawang araw pagkatapos ng araw ng Pasko.

Pinipigilan kong umiyak dahil ayokong manalo ka. Ayokong magmukhang talo. Ayokong magmukhang nasasaktan. Kahit parang dinudurog ang puso ko sa loob. Parang hinihigop ng turbine ng eroplano at ginigiling sa loob.

Tsaka wala na ring oras para umiyak pa at makipagtalo. Palapag na din ang eroplano.

Sabi ko sa sarili ko, “Talo ka na. Wag ka na lumaban. Pero wag na wag mong ipapakitang talo ka. Wag na wag kang iiyak.” Sumayad na ang gulong ng eroplano sa lupa. 

Tapos na.

Pinauna na kita. Hindi ako sasabay sayo sa taxi. “Tara na. For the last time, ihahatid na kita pauwi,” sabi mo. Pero para saan pa? Tapos na. Kaya ko na umuwi mag-isa.

Humagulgol muna ako sa isang tabi sabay yosi pag-alis mo. Ayokong isama itong isang baldeng luha ko pauwi ng bahay. Masyado ng mabigat ang mga bagahe ko. “Kuya, Cubao.” Nabuhay ulit ako sa loob ng taxi. 7:30 PM. Dalawang araw pagkatapos ng araw ng Pasko.

***
Story #7: Liwayway

​Sabi ni mamang dati, kapag ginabi raw at ako’y naliligaw, ang mahalaga lang ay huwag magpahinga. Gumalaw daw ako, maglakad, tumakbo–mas matulin, mas malayo. Kapag inumaga ako sa daan, ligtas na raw ako. Basta ang dapat ko lang gawin ay huwag palipasin ang gabi na nakapirmi sa isang lugar.

Umalis ako ng alas-kuwatro: ang huling oras bago magliwanag ang langit. Iniwan kita, sa may sahig. Ang lahat ay tahimik nung lumabas ako. Ang tanging ingay lang ay ang dahan-dahan kong pagbukas ng pinto. Dahan-dahan, pero hindi dahil natatakot ako na hahatakin mo ako pabalik.

Hindi na ako natatakot. Hindi na ako natatakot sa’yo, sa wakas.

Bukas mahahanap ka nila, o sa makalawa, marahil. Hahanapin din nila ako. Maghahanap sila ng paliwanag. Pero malayo na ako: mabilis, matulin. Sa daan na ako maaabutan ng umaga.

Follow our stories on Instagram: TWO50TWO

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.